in

‘Metamorphosis’ at ‘The Throne,’ nasa VIVAMAX na!

Ngayong Hulyo, humanda sa makapanindig-balahibo at makapigil-hiningang movie experience na hatid sa inyo ng VIVAMAX sa dalawang Korean blockbuster movies na METAMORPHOSIS at THE THRONE.

Sa July 22, harapin ang inyong takot sa star-studded na horror thriller film, METAMORPHOSIS. Ang mag-asawang Gang-goo (Sung Dong-Il) at Myung-Joo (Jang Young-Nam) kasama ang kanilang tatlong anak ay lumipat sa kanilang bagong bahay, ngunit doon nagsimula ang mga kakaiba at nakakatakot na pangyayari sa kanilang pamilya. Hanggang sa ang demonyo ay nagpalit-anyo bilang isa sa kanilang pamilya at sinimulan silang saktan. Dito na tinawag ng kanilang panganay na anak ang kanilang tiyuhin na si Joong-Soo (Bae Sung-Woo), isang Paring Katoliko at nagsasagawa ng exorcism upang tulungan ang pamilya nila na labanan ang demonyo.

At sa July 29 naman, maglakbay sa unang panahon sa sinasabing pinakamalupit na kwento ng Joseon Dynasty sa pelikulang THE THRONE. Sa panahon ng paghahari ni Haring Yeongjo (Song Kang-ho), ito ay ang kwento ng buhay ni Crown Prince Sado (Yoo Ah-in), ang tagapagmana ng trono at sa edad na 27, ay dineklarang hindi karapat-dapat na maging hari. At dahil sa kanyang plano na patayin ang hari, hinatulan siya mismo ng kanyang ama at ikinulong siya sa isang maliit na kahon sa loob ng walong araw. Sa loob ng kahon, nagsimulang makakita nag prinsipe ng iba’t-ibang halusinasyon na lalong nagpalala sa inaakalang sakit niya sa pag-iisip.

Panoorin ang METAMORPHOSIS at THE THRONE at iba pang blockbuster movies kapag nag-subscribe ka sa VIVAMAX. Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app via Google Play Store at App Store. Unli-watch na sa halagang P29 para sa tatlong araw, P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya.

Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express.

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.
Available din ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan. Vivamax, atin ‘to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gerald Anderson at Yam Concepcion, magbabalikan sa ‘Init sa Magdamag’

Official YouTube Channel Ng YeY, Umabot Ng 1 Milyong Subscribers