in

iDolls magbibigay-boses para sa LGBTQIA+ Community gamit ang ‘Kapangyarihan’

Ibabandera na ng vocal trio na iDolls na binubuo ni Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario ang debut single nila bilang grupo na “Kapangyarihan” simula bukas (July 16), na layuning magpalakas ng loob at magbigay-boses sa LGBTQIA+ community.

“Tungkol siya sa realization na ang kapangyarihan mo ay walang limitasyon at walang makakapigil sa’yo kung maniniwala ka sa sarili mo. Na kapag sama-sama tayo, pwede tayong maging makapangyarihang rebolusyon sa lipunan,” sabi ng iDolls.

Mula sa ABS-CBN Music label na Star Pop ang fierce na kanta na isinulat at kinompose mismo ng iDolls. Ang lyrics ng “Kapangyarihan” ay mula sa perspective ng isang miyembro ng LGBTQIA+ member na matapang na nagsasabing pwedeng maging sinuman ang isang tao sa kabila ng sinasabi ng lipunan.

Angat na angat din sa kanta ang bosesan ng grupo na kilala sa mga nakakabilib nilang harmonies at biritan, na maririnig sa riffs at runs nina Lucas at Matty at matinding rap verse ni Enzo.

Si Theo Martel ang nag-arrange ng “Kapangyarihan” habang ipinrodyus naman ito ni Star Pop label head Rox Santos. Nag-perform naman ng additional live guitars sa kanta ang kapwa-“Idol PH” alum ng iDolls na si Dan Ombao.

Noong 2020, naglabas ng kanya-kanyang solo singles sina Lucas, Matty, at Enzo na “Tinatapos Ko Na,” “Sayaw ng mga Tala,” at “Extensyon” na nagpakita ng indibidwalidad nila bilang music artists. Ngayong taon, matapos ang mga nakakaaliw at nakakabilib nilang performances sa “Your Face Sounds Familiar” season 3, opisyal na silang pumirma ng kontrata sa Star Magic sa katatapos lang na Black Pen Day. Pwedeng sundan ang iDolls sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.

Yakapin ang iyong full potential at iyong “Kapangyarihan,” at pakinggan ang single ng iDolls simula bukas (July 16) sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

JM de Guzman at Yam Concepcion, pinuri ng netizens sa acting showdown sa ‘Init Sa Magdamag’

Andrea Brillantes at Francine Diaz, pinaghihiwalay ni Eula Valdez sa ‘Huwag Kang Mangamba’