in

Cast ng ‘Lolong,’ ipapakilala na!

Ngayong Biyernes (July 16) na ipapakilala ang buong cast ng biggest action-adventure series ng GMA Network na “Lolong”!

Nauna nang ini-reveal ang tatlo sa mga bibida sa nasabing serye na pinangungunahan ni Ruru Madrid. Makakasama niya rito sina Shaira Diaz at Arra Agustin.

Isa na nga ang “Lolong” sa maituturing na biggest break ni Ruru dahil titular role ang gagampanan niya rito. Trailer pa lang nito ay talagang pinag-usapan na agad. Marami ang bumilib sa paggamit ng animatronics ng production team para sa karakter na si Dakila–ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye. Sa laki kasi nito, kailangan ng 14 tao upang mapagalaw ito.

Bukod kay Dakila, sinu-sino pa kaya ang kasama sa dambuhalang seryeng ito na produced ng GMA Public Affairs? Abangan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

VIP tickets ng concert ng ‘He’s Into Her,’ sold out na

ABS-CBN stars, tumanggap ng 23 parangal!