in

Vice Ganda, nagregalo ng P100,000 para sa mga kasambahay sa ‘Everybody, Sing!’

Biglang naging emosyonal ang episode ng “Everybody, Sing!” noong Linggo (Hulyo 11) dahil sa sorporesang pagregalo ni Vice ng P100,000 para sa mga kasambahay na naglaro bilang songbayanan.

Dahil dalawa lamang ang nahulaang kanta sa jackpot round, P10,000 lamang ang dapat mapanalunan ng grupo. Ngunit dahil malapit sa puso ni Vice ang mga kasambahay, nagbigay ito ng dagdag na premyo bilang pasasalamat sa kanilang marangal na pagtatrabaho at para rin lumaki naman ang paghahatian nilang cash prize.

Ayon kay Vice, kahit hindi man nila pinangarap na magtrabaho bilang kasambahay, ang mahalaga ay nagsusumikap sila para mabigyan ng magandang kinabukasan ang sarili at pamilya.

“Nasisiguro ko maganda ang intensyon ninyo. Ang intensyon ninyo ay mapaganda ang buhay ninyo at buhay ng mga mahal ninyo,” aniya sa community singing game show na napapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Maging viewers naantig sa tila plot twist na nangyari sa “Everybody, Sing!.” Ito ang pangalawang beses na nagbigay ng dagdag cash prize ang Unkabogable Star. Una siyang nagbigay ng dagdag papremyo sa songbayanan ng janitors at cleaners.

“God bless you always Meme and good health always. Napakabuti mo sa tulad naming mga kasambahay,” komento ni YouTube user Chares Lahum.

Samantala, P40,000 naman ang nauwing cash prize ng live online sellers na sumalang na songbayanan noong Hulyo 10. Saludo rin si Vice sa diskarte ng grupo upang magkaroon ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.

“Gusto ko iparating ang paghanga ko sa inyong lahat. Dahil sa inyong abilidad at kakayahan na hindi magpagapi sa hirap ng sitwasyon,” paliwanag ni Vice.

Nagtala rin ng multiple trending topics ang programa, kabilang na ang trending looks ni Vice bilang si Marilyn Monroe at Moana.

Sa susunod na linggo, comedy bar performers at teachers naman ang sasabak bilang songbayanan. May mananalo ulit kaya ng kalahating milyong jackpot? Abangan ang “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Luke Conde, anniversary episode ng ‘Wish Ko Lang!’ ang unang GMA Network project!

Kelvin Miranda, mapapalaban ng aktingan kay Albert Martinez sa ‘Wish Ko Lang’