in

Kelvin Miranda, mapapalaban ng aktingan kay Albert Martinez sa ‘Wish Ko Lang’

Ang young Kapuso actor na si Kevin Miranda ang isa sa mga bida ng susunod na episode ng “Wish Ko Lang!” na bahagi pa rin ng month-long 19th anniversary celebration ng nasabing GMA Public Affairs show. Makakasama ni Kelvin ang veteran actor na si Albert Martinez, na isa nga raw sa mga gusto talaga niyang makatrabaho.

“A Second Chance” ang title ng episode ngayong Sabado (July 17) at mag-ama ang role na gagampanan dito nina Albert at Kelvin. Pagbabahagi ni Kelvin, favorite scene niya raw ‘yung mga eksenang nagkakaroon sila ng eye contact ni Albert.

“Gusto ko yung eksenang nag-eye contact kami. Sobrang nadadala kasi ako kay Sir Albert, palaging may laman ang mga tingin niya so mararamdaman mo talaga na totoo ang mga sinasabi niya,” say ng Kapuso actor. “Halos lahat [ng eksena] naging paborito ko,” dagdag pa niya.

Sa kuwento, ilang taong nakulong ang karakter ni Albert na si Fred dahil sa isang krimeng di nito sinasadyang magawa. After 25 years ay makakalaya na ito at babalikan ang kanyang anak na si Lorenz (Kelvin) na lumaking may sama ng loob sa ama. Akala kasi niya ay pinabayaan siya nito. Isang pangyayari ang maglalagay sa alanganin kay Lorenz at sa huli, mapagtatanto niya kung gaano talaga siya kamahal ng kanyang ama.

Mapapanood din sa episode na ito sina Crystal Paras, Cai Cortez, Akihiro Blanco, at si Luke Conde. Abangan ang “A Second Chance” sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales ngayong Sabado, 4 pm sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vice Ganda, nagregalo ng P100,000 para sa mga kasambahay sa ‘Everybody, Sing!’

Kapamilya singers binigyang-buhay ang mga komposisyon Ng ABS-CBN employees