Nakipagsanib-pwersa mula ang singer na si Bugoy Drilon sa record producer na si Moophs para sa kanyang pinakabagong kanta, ang island pop song na tila nagbabalik ng summer bliss na pinamagatang “Shipwrecked.”
Hatid ng Tarsier Records ang kanta na may paglalarawan ng contentment sa piling ng minamahal sa mala-paraisong lugar, malaya sa mga hadlang at pangkaraniwang routine sa gitna ng pandemya.
May energetic blend ng pop, reggae, at island music ang “Shipwrecked” na siguradong magpapaalala ng panahon sa beach, hatid din ang cinematic theme na karaniwang naririnig sa pagtatapos ng isang romantic movie.
Ang nasabing kanta ang pangalawang proyekto nina Bugoy at Moophs pagkatapos nilang ilabas ang chart-topping pop/reggae single na “Tied” noong Enero, na ngayon ay malapit nang makamit ang isang milyong streams. Inaasahan din na magsasama muli ang dalawa sa patuloy nilang paghahanda ng EP ni Bugoy sa ilalim ng Tarsier Records.
Pakinggan ang “Shipwrecked” single nina Bugoy at Moophs, gamit ang link na ito. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.