in

Kit Thompson, may masamang balak kay Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’

Tuloy-tuloy ang pagbibilog ni Miguel (Kit Thompson) sa utak at puso ni Magda (Erich Gonzales) sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dumating si Miguel na parang prinsipe sa buhay ni Magda, pero ang gusto lamang niya ay makuha ang tiwala nito para makumbinsi ang dalaga na ibenta ang formula ng patok nitong Magda Magic Soap sa Royal Wellness, ang kumpanya ng makapangyarihang si Vanessa Narciso (Agot Isidro).

May utang na loob kasing kailangang bayaran si Miguel sa tiyahin niyang si Vanessa na siyang kumupkop at nagpalaki sa kanya.

Desperado na rin ang mga Narciso sa panggigipit kay Magda dahil nilason nila ang palayang kabuhayan ng pamilya nito.

Unti-unti na nga bang mahuhulog ang loob ni Magda kay Miguel? Ano ang susunod na gawin ni Miguel para makuha ang loob ni Magda?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Engrandeng pasasalamat sg ABS-CBN, tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’ live

Bangayan nina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez sa ‘The Broken Marriage Vow,’ ipinasilip