Simula ngayong Hulyo ay mapapanood na ang “Stories of Hope” tuwing Linggo pagkatapos ng Dear Uge.
Last week, ang Unang Hirit host at Kapuso reporter na si Mariz Umali ang isa sa mga nagbahagi ng kanyang kuwento kung saan naka-relate ang kapwa niya ARMY–ang tawag sa fans ng Kpop idol group na BTS. Nakaka-touch din na after ng pag-ere ng kuwento ni Jam, na isa ring ARMY, bumuhos ang tulong para sa kanya. Ang 10-taong-gulang kasi ay may kakaibang sakit sa buto pero hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa at bagkus ay humuhugot ng lakas sa kanyang favorite Kpop group.
Ngayong Linggo, ang Kapuso celebrity chef na si Jose Sarasola naman ang mapapanood sa Stories of Hope. Para sa kanya, hindi lang simpleng pagkain ang lechon sa mga handaan. Ito ay sumisimbolo ng mayamang kultura ng mga Pilipino. Pero, maging ang lechon, naapektuhan din ng pandemya. Kaya naman sa muling pagbubukas ng ating ekonomiya, iba’t ibang diskarte ang kanilang ginawa upang mapanatiling buhay ang industriyang ito. Aalamin ni Chef Jose ang kakaibang paandar ng mga “lechoneros”.
Abangan ito sa “Stories of Hope” ngayong Linggo ng hapon, 4:35 p.m. sa GMA Network.