Inaabangan na ang salpukan ng mahuhusay na mga aktres na sina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres sa upcoming GMA primetime series na ‘Legal Wives.’

Iikot ang kuwento ng serye sa Mranaw na si Ismael (Dennis Trillo) at sa tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan.
Challenging daw para kay Andrea ang karakter niyang si Diane, ang nag-iisang Kristiyano sa tatlong asawa, “I think ang pinaka-challenge is to find that balance kasi there are so many layers to her character, napakadami niyang pagdadaanan dito.”
Bagong perspektibo naman daw ang naibigay ng serye kay Bianca, na gaganap bilang pinakabatang asawang si Farrah, “Ngayon nandito ako at nakikita ko lahat, sa totoo lang sobrang daming matututunan pati about life eh–‘yung perspective sa buhay, kung paano mo titingnan ‘yung mga sitwasyon.”
Samantala, magandang paraan naman para kay Alice ang kanilang programa upang higit na mas makilala ng viewers ang kultura ng mga Muslim, “They’re actually very loving, God-fearing people. They have the same goals and desires in their lives. They have strong family bonds.”
Huwag palampasin ang world premiere ng ‘Legal Wives,’ soon sa GMA Telebabad.







