in

Yam Concepcion, naiipit sa pagmamahal sa asawa at sa tungkulin sa kanyang bayan

Masyadong naiipit na si Rita (Yam Concepcion) sa kasong kinasasangkutan ng kanyang asawang si Peterson (JM de Guzman) at ina nitong Olivia (Tetchie Agbayani) laban sa mga tao sa bayan ng Talisay, sa “Init Sa Magdamag.”

Pinili man niyang hindi tumestigo laban sa kanyang biyenan, nakipagtulungan pa rin si Rita kay Tupe (Gerald Anderson) para mailabas ang katotohanan na ang ina ng asawa niya ang nag-utos para lagyan ng lason ang tubig ng nasabing bayan.

Gayunpaman, mukhang hindi pumapanig sa kanila ang katotohanan lalo pa at magaling mambaliktad ng katotohanan ang kinuhang abogado ni Olivia Alvarez. Kaya naman labis siyang nababahala sa sasapitin ng mga tao ng Talisay.

Habang ginagawa naman ni Tupe ang lahat ng kanyang makakaya para mahanap ang hustisya para sa kanya at sa kanyang komunidad, labis naman siyang nababahala sa sitwasyong kinahaharap ng dating nobya.

Ano kaya ang kahahatungan ng kasong sinampa ni Tupe laban kina Olivia at Peterson? Hanggang kailan kaya maiipit si Rita? Muli kaya siyang mawalan ng anak dahil sa sigalot na ito?

Mula sa Star Creatives, nasa ilalim ang ang “Init Sa Magdamag” sa creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ito gabi-gabi, 9:20 sa A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Para sa mga manonood na gumagamit ng digital TV box gaya ng TVplus, i-rescan lang ito para makuha ang TV5. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. Ang advance episodes nito ay mapapanood sa iWantTFC at WeTV iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pokwang, gaganap na konteserang nanay sa #MPK ngayong Sabado

Sanya Lopez, nasungkit ang Top Celebrity Award mula sa TikTok!