in

Pepito Manalato: Ang Unang Kuwento, star-studded ang cast!

Mga bigatin at bagong mukha ang bibida sa much-awaited prequel ng award-winning sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ ngayong Hulyo.  

Mapapanood sa prequel ang makulay na kabataan ng mga bidang sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) noong dekada 80 na gagampanan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos. 

Alamin kung paano nga ba nagsimula ang kanilang love story sa Barangay Caniogan, Bulacan pati na rin ang pinagsimulan ng ilan pang mga minahal na karakter sa Pepito Manaloto. 

Makakasama nina Sef at Mikee ang hunk actor na si Kokoy de Santos na gaganap bilang si Patrick (John Feir). Tampok din sa all-star cast sina Pokwang, Gladys Reyes, Archie Alemania, Denise Barbacena, at Kristoffer Martin. 

Tunghayan ang highly-anticipated comeback ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, soon sa GMA-7! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘ASAP Natin ‘To,’ ipapadama sa manonood ang pagmamahal ngayong Linggo

Segments ng ‘Unang Hirit,’ benta sa viewers!