in

Pokwang, relate sa karakter niya sa ‘Wish Ko Lang?’

Ang bagong Kapuso na si Pokwang ang isa sa mga artistang bibida sa month-long anniversary special ng Wish Ko Lang para sa ika-19 taon nito. Mapapanood ang episode ni Pokwang ngayong Sabado (July 3) kasama sina Jeric Gonzales at Arra Gonzales.

Masaya raw si Pokwang na makabilang siya sa selebrasyon na ito ng programa ni Vicky Morales. “Sobrang excited kasi kasama ako sa mahalagang pagdiriwang ng programa—ang kanilang anibersaryo. Nakakatuwa talaga,” say ni Pokwang na gaganap bilang si Virgie, isang teacher na “married to the job,” ika nga.

Sa hindi inaakalang pagkakataon, magku-krus muli ang landas nila ng isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric Gonzales) na magiging manliligaw niya. Pero tutol dito ang ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra San Agustin), na dati ring estudyante ni Virgie.

Nakaka-relate nga raw si Pokwang sa kuwento dahil hindi ito malayo sa kanyang love story. “Relate ako dahil mas may edad ako kay Papang.”

Maganda rin ang aral ng nasabing episode. “Pagdating sa pag-ibig, nagiging tama sa mata ng Diyos ang mga bagay na mali sa mata ng tao,” paglalahad ng aktres. “Kasi tayo madaling maghusga pero ang Diyos kapag sa Kanya galing ang dahilan bakit kayo nag-iibigan, kahit pa malayo ang agwat ng edad n’yo walang makakapigil. At walang makakapaghiwalay sa inyo dahil tunay at wagas kapag Siya ang nagbigay lalo na’t pinagdasal mo naman ito ng taimtim sa Kanya,” dagdag pa nito.

Makakasama rin sa “Ang Forever ni Miss Virgie” ng Wish Ko Lang! sina Jennie Gabriel at Bench Hipolito. Ngayon Sabado na ito, 4pm sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga kwento ng ABS-CBN Current Affairs, mas madali nang mapanood

KIKX Salazar, may tribute kay Michael Jackson