Mabilis nang makikita ang mga kwentong gumabay at umaliw sa manonood sa loob ng maraming taon sa pinalakas na ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Facebook page.
Sa facebook.com/ABSCBNCurrentAffairs ay muling mapapanood ng netizens ang mga de-kalibre at makabuluhang ulat ng mga programa ng ABS-CBN Current Affairs na kapupulutan ng kaalaman at inspirasyon magpasahanggang ngayon. Kabilang sa mga maiikling videong masusubaybayan dito ay tumatalakay sa mga isyung dapat alam ng bawat Pilipino, mga safety tip na kailangan para manatiling ligtas sa araw-araw, at mga dokumentaryong naghahatid ng kamulatan at pag-asa.
Patuloy ding naghahatid ng serbisyo ang ABS-CBN News sa pamamagitan ng Facebook at Instagram pages ng mga dating current affairs shows tulad ng “Matanglawin,” “Kuha Mo,” “My Puhunan,” at “Sports U.” Sa Instagram, aktibo ang “#NoFilter” habang patuloy din ang updates sa mga Facebook pages na “Mission Possible,” “Salamat Dok,” “Umagang Kay Ganda,” “SOCO,” at “Bandila.”
Maaari namang panoorin muli ang mga naging ulat ng ABS-CBN Current Affairs programs sa http://news.abs-cbn.com/currentaffairs.
Ang muling pagiging aktibo ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Facebook page, na mayroong mahigit 2.5 milyon na followers, at iba pang social media pages ng ABS-CBN current affairs shows ay bahagi ng insiyatibo isa ng ABS-CBN News upang patuloy na makapaglingkod sa mga Pilipino saan man sila sa mundo.
Sa kabila ng pagkawala sa ere ng mga programa ng ABS-CBN Current Affairs noong 2020 dahil sa prangkisa, nananatili itong buhay at patuloy na naglilingkod sa Pilipino. I-follow ang ABS-CBN Integrated News and Current Affairs sa Facebook at iba pang opisyal na account ng current affairs shows sa Facebook at Instagram.
Para sa ABS-CBN updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.