in

iWantTFC, gagawing libre ang advance teleserye episodes, originals, at 1,000 movies sa Pilipinas

Libre na ang panonood sa iWantTFC ng higit sa 10,000 oras ng pelikula, palabas, at originals para sa users nito sa Pilipinas simula Hunyo 30.

Mag-download na ng iWantTFC app o bisitahin ang iwanttfc.com para tuloy-tuloy na masubaybayan ang mga ABS-CBN primetime teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init Sa Magdamag,” at “La Vida Lena” at ang advance episodes nilang available sa platform, dalawang araw bago sila ipalabas sa telebisyon.

Ngayong taon, madadagdagan din ng iWantTFC originals na ekslusibong mapapanood sa platform gaya ng romance drama na “My Sunset Girl” ni Charlie Dizon, pati na ang ikalawang season ng “Hoy Love You” tampok ang susunod na kabanata ng love stories nina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Aljon Mendoza, at Karina Bautista at ang pagdating ng bagong karakter ni Ritz Azul.

Magsasama naman ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa iWantTFC original series na “Mrs. Piggy” tungkol sa isang pamilyang nakaahon mula sa hirap, habang magbabalik-tambalan sina Adrian Lindayag at Keann Johnson para sa seryeng “Love Beneath the Stars” na hango mula sa patok na 2020 MMFF boys’ love (BL) movie nilang “The Boy Foretold by the Stars.”

Sa iWantTFC, ang tahanan ng mga kwentong Pilipino, mapapanood na rin ang mga orihinal na show mula sa Brightlight Productions, gaya ng news magazine and lifestyle show ni Korina Sanchez na “Rated Korina. Magbibigay-saya rin ang comedy shows na “Oh My Dad” at “Sunday Kada,” at ang romcom na “I Got You.”

Tuloy-tuloy rin ang kilig na hatid ng Thai BL series mula sa GMMTV dahil nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ang apat pang bagong serye tulad ng “Baker Boys,” “Bad Buddy,” “Enchante,” at “Not Me.”

Higit sa isang libong pelikula naman ang mapagpipiliang panoorin, gaya ng 2020 Star Cinema movies na “Boyette: Not A Girl Yet” at “My Lockdown Romance.” Sa iWantTFC rin ekslusibong mapapanood ng mga Pinoy ang “Tripol Trobol,” ang director’s cut ng “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, at Coco Martin.

Imbitado rin ang mga gamer at streamer sa “The Gaming House,” isang mala-“Pinoy Big Brother” na reality show kung saan maglalaban-laban ang sampung content creators para sa pagkakataong mapabilang sa e-sports talent agency na Tier One Entertainment.

Libreng mae-enjoy ang mga ito ng subscribers sa Pilipinas. Para naman sa gustong manood nang walang ads, pwedeng kumuha ng premium subscription na nagkakahalagang P119 kada buwan.

Tuloy-tuloy na saya, kilig, kulitan, at kilig ang mapapanood sa iWantTFC. Mag-download lang ng iWantTFC app (iOs and Android) o gumawa ng account sa iwanttfc.com para libreng makapanood ng higit sa 1,000 pelikula, ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWantTFC originals, at iba pang digital content.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tom Rodriguez, hindi tipikal na ‘kontrabida’ ang role sa ‘The World Between Us’

Coco Martin at Jane de Leon, nagkakamabutihan na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?