in

Lauren Young, balik-telebisyon sa ‘Never Say Goodbye’

Matapos ang dalawang taon ay muling mapapanood sa telebisyon si Lauren Young sa upcoming GMA mini-series na ‘Never Say Goodbye’ kasama sina Jak Roberto at Klea Pineda.

Ang ‘Never Say Goodbye’ ang isa sa mga kwento na mapapanood sa pinakabagong drama-anthology series na ‘Stories from the Heart.’

Sa isang vlog ay ibinahagi ni Lauren ang kanyang naging karanasan habang naka-quarantine sa hotel, “Today, what I have to do is a script reading. They’ve organized these activities for us to do while we’re here para it’s productive and I guess as a way to check up on us and make sure na hindi kami magka-cabin fever.”

Inamin din ni Lauren na naninibago siya sa kanyang pagbabalik-showbiz, “Ang tagal ko na kasing hindi umaarte. This life and this lifestyle, it seems so new to me. I haven’t acted in 2 years, hindi na ako sanay. Nasanay lang ako na my life has been so simplified. I’m not used to this glitz and glamour anymore. After doing this for more than 10 years, nagpahinga ako because of Covid so medyo naku-culture shock ako.”

Ngayong linggo ay nagsimula na ang lock-in taping ng cast sa Mabalacat, Pampanga.

Bukod kina Lauren, Jak, at Klea, makakasama rin nila sa mini-series sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Kim Rodriguez, Sharmaine Santiago, at Mosang.

Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, abangan ang nakakakilig na kwento ng ‘Stories from the Heart: Never Say Goodbye’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Seasoned actors, Star Hunt alums, at Rise Artists Studio handa na magningning sa Star Magic

Paghihiganti ni Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena,’ inaabangan na!