in

TNT Finalist na si Makki Lucino, may sariling bersyon ng ‘She Used to Be Mine’

Bibigyan ng bagong kahulugan ng “Tawag ng Tanghalan” season 4 grand finalist na si Makki Lucino ang ballad na “She Used to Be Mine,” sa sariling rendisyon niya ng kanta na mapapakinggan na simula bukas (June 25).

“Gusto naming maging paalala ito sa lahat na ‘wag matakot sa pagbabago, na laging i-celebrate ang buhay, at yakapin ang edad natin,” ani Makki, na una nang pinerform ang kanta bilang contestant sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Kinanta ko po siya sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ bago makapasok ng top 6, ‘yung feedback po ay na-touch ‘yung mga tao, naiyak sila. ‘Yun po ‘yung maganda, na I was able to touch other people’s hearts,” dagdag niya.

Ayon kay Makki, gusto niyang kumatawan sa LGBTQ+ community at magdala ng inspirasyon sa mga Pilipino gamit ang madamdamin niyang performances at mga ilalabas na kanta—na uumpisahan ng bersyon niya ng “She Used to Be Mine.”

Isinulat at kinompose ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles ang kanta para sa musical na “Waitress,” na ipinaparamdam ang emosyon ng isang taong hindi na makilala ang dati at kasalukuyan niyang pagkatao, pati na ang pagtataka kung sino siya ngayon kung naiba ang kanyang sitwasyon.

Samantala, matapos ang “Tawag ng Tanghalan” journey niya, sumabak na rin sa livestreaming sa kumu si Makki sa “Queer of Soul,” na napapanood kada Lunes at Wednesday sa SeenZone channel (@seenzonechannel) tuwing 6 pm.

Pakinggan ang rendisyon ni Makki ng “She Used to Be Mine” simula bukas (June 25) sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

7k Sounds artists na sina Big J, Iman Franchesa Cristal, at LA Santos ipinakilala ang kani-kanilang bagong single

Makulay na performances, bibida ngayong ‘Pride Sunday’ sa ‘ASAP Natin ‘To’