in

Alaala ni former Pres. Noynoy Aquino, babalikan sa ‘KMJS’

Marami ang nagulat sa balita na yumao na sa edad na 61 si Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Sa isang espesyal na ulat ngayong Linggo (June 27), babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang legacy sa politika ng yumaong dating pangulo at gugunitain ang kanyang mga alaala, sa pamamagitan ng lente ng kanyang official photographer na si Gil Nartea, mga malalapit na kakilala, at mga panayam sa kanya ni Jessica Soho.

Samahan din si Jessica sa kanyang vaccination journey. Abangan ito at ang iba pang kuwento ngayong Linggo sa KMJS, 8:25 p.m. sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DA HU!? Netizens naiinis sa talent management na hinayaang mapariwara ang mga lalaking talents

Mga ulat ng ABS-CBN News, wagi sa SOPA Awards 2021