Extended ang pagdiriwang ni Judy Ann Santos-Agoncillo ng unang anibersaryo ng “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Hunyo 26) kung saan itatampok niya ang mga kwento ng pagbangon at pagtulong sa kapwa ng isang shoe designer, isang guro, at dalawang overseas Pinoy workers.
Babalikan ni Juday ang mga taong naitampok sa programa at tumatak sa puso ng viewers, gaya na lamang ng Pinoy shoe designer na si Jojo Bragais at kung paano niya nalagpasan ang mga hamon sa industriya para maabot ang kanyang pangarap. Nitong taon, siya ang naging opisyal na shoe sponsor ng Miss Universe at sinuot ng higit sa 70 na kandidata mula sa iba’t ibang mga bansa ang mga sapatos niya.
Itatampok din ni Juday ang kabayanihan ni Myrna Padilla, ang CEO ng OFW Watch, isang organisasyong kinakapitan ng mga OFW para makahingi ng tulong mula sa mga mapang-abuso nilang mga amo.
Bida rin ang kwento ng dating OFW na si Lourin Strickland, ang nagmamay-ari ng Magno Mushroom Farm na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga nangangailangan at tumutulong sa mga ordinaryong taong umasensyo ang negosyo.
Nagsumikap naman ang guro na si Michelle Rubio na tulungan ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng pandemya sa pagsagawa niya ng mga outreach program sa mga probinsya.
Panoorin ang iba’t ibang kwento ng kabutihan sa special anniversary episode ng “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Hunyo 26), 7 PM sa Kapamilya Channel sa cable TV, A2Z sa free TV at digital TV boxes, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at ABS-CBN Entertainment Facebook page, iWantTFC, at TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.