in

Yuka Saso, Nonito Donaire Jr., at Alex Eala, at iba pang Pinoy, nagliwanag ang galing sa mundo

Kinilala at pinasalamatan ng ABS-CBN ang mga natatanging Pilipinong naghatid ng karangalan sa bansa, gaya ng mga atletang sina Yuka Saso, Nonito Donaire Jr., at Alex Eala, sa inilabas nitong tribute video sa TV at sa online.

Kamakailan lang, nagliwanag ang galing nina Yuka, Nonito, at Alex sa mundo sa ipinakita nilang lakas, talento, at puso sa kanilang mga laban.

Si Yuka ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi sa isa sa pinaka-prestihiyosong torneo sa golf bilang kampeon sa 2021 U.S. Women’s Open, habang pinatunayan naman ni Nonito na hindi pa tapos ang kanyang laban sa boksing sa bago niyang titulo. Patuloy rin ang pag-angat ni Alex Eala sa mundo ng tennis sa pagkapanalo niya at ng partner mula Russia sa 2021 French Open girls doubles competition.

Bukod sa kanila, nagningning rin sa mundo ang ganda at talino ng beauty queens na sina Miss Trans Global 2020 Mela Habijan at Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo. Nangibabaw rin ang talento sa musika ng Kammerchor Manila bilang Grand Prix winner sa Queen of the Adriatic Sea Choral Festival and Competition, at ang karunungan at tapang ni Dr. Deo Onda, na unang Pilipinong nakarating sa Emden Deep, isa sa pinakamalalim na bahagi ng mundo.

Tulad ng mga bayani ng Pilipinas, hatid nila ay inspirasyon sa bawat Pilipino na piliing maging mabuti sa kanilang larangan at tungkulin, at maging mabuti rin sa kanilang kapwa.

Samantala, lalo pang magliliwanag ang galing ng Pilipino sa paghahatid ng liwanag at ligaya ng ABS-CBN sa sa pamamagitan ng mga pelikulang nagpapakita ng husay at talento ng Pilipino. Ipapalabas ang mga ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel nang may English subtitles at dubbing upang maintindihan ng mas maraming tao sa mundo kabilang ang mga banyaga at mga Pinoy na hindi lumaki sa Pilipinas.

Panoorin ang “Ang Galing ng Pilipino, Nagliliwanag Para sa Mundo” tribute video ng ABS-CBN na gawa ng ABS-CBN Creative Communication Management division sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iba pang ABS-CBN platforms.

Abangan din ang mga subtitled at dubbed na pelikulang Pilipino sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iya Villania at Chef Jose Sarasola, mapapanood muli sa season 2 ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’

MYX Awards 2021 nominees, pinangalanan na!