in

Ruru Madrid, bibida sa fresh episode ng ‘Dear Uge’

Huwag palagpasin si Kapuso actor Ruru Madrid sa isa na namang nakakaaliw na all-new episode ng ‘Dear Uge’ ngayong Linggo, June 20.

Parte ng sales pitch ni Alex (Ruru) tuwing nagbebenta siya ng insurance sa kanyang mga kliyente ang pagpapahalaga sa kapwa at mga mahal sa buhay. Subalit taliwas sa kanyang sales pitch, makasarili at walang pakialam si Alex sa mga tao sa kanyang paligid.

Magbabago ang lahat nang mabangga si Alex ng sasakyan at ma-comatose. Nang magising, naisipan ni Alex na baguhin ang kanyang buhay lalo na ang pakikitungo niya sa mga tao.

Habang sinusubukan niya na makipag-ayos sa mga dating nakaaway, malalaman ni Alex na hindi aksidente ang nangyari at may nagbalak talagang patayin siya.

Itutuloy pa nga ba ni Alex ang kanyang pagbabagong buhay?

Makakasama rin ni Ruru sa episode sina Rodjun Cruz, Archie Alemania, at Jelai Andres.

Abangan ang nakakaaliw na kuwentong ‘yan sa fresh episode ng Dear Uge na pinamagatang ‘Coma Period’ ngayong Linggo, 3:35PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bida ang mga tatay ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Iya Villania at Chef Jose Sarasola, mapapanood muli sa season 2 ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’