in

Sports commentator na si Anton Roxas, mapapanood sa NCAA Season 96, Kapuso na rin ba?

Pormal na ngang binuksan ang NCAA Season 96 last Sunday at araw-araw na itong napapanood sa GTV.

Bukod kay Martin Javier ay may isa pang pamilyar na mukhang mapapanood ngayon sa NCAA–si Anton Roxas. Kilala si Anton sa larangan ng sports dahil tinuturing siyang isa sa premier sports commentator sa bansa. Kasabay nga ng opening ceremony ng NCAA Season 96, nag post si Anton sa kanyang Twitter account: “#NCAASeason96 is officially open! And yes, I’m officially a Kapuso.”

Marami tuloy ang natuwa na Kapuso na ang kanilang paboritong sports commentator at mapapanood siyang muli sa telebisyon. Asahan na nga ang mga blow-by-blow account ng bawat laro ngayong season kasama pa ang highlights at analysis mula kay Anton.

Mapapanood si Anton sa “Rise Up Stronger: NCAA Season 96”, weekdays sa ganap na 2:45 p.m., Saturdays nang 4:30 p.m., and Sundays nang 5:05 p.m. sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

International album ni Iñigo Pascual na ‘Options,’ mapapakinggan na sa June 25

Rafael Rosell, manggugulo sa ‘Huwag Kang Mangamba’