Bilang selebrasyon ng kanilang ika-71 taong anibersaryo, mamimigay ng papremyo ang GMA Network para sa loyal fans at viewers nito sa pamamagitan ng ‘Buong Puso Groufie Giveaway’!

Simple lang ang kailangang gawin para sumali! Tumutok lang sa inyong paboritong GMA show kasama ang inyong pamilya o mga kaibigan at mag-selfie/groufie habang nanonood sa TV. Isend ito sa www.gmanetwork.com/buongpusogroufie hanggang June 25.
Tig-10 ang mabubunot na mananalo ng GMA Affordabox at GMA Now. Sasabihan via call, text, o email ang mga mabubunot at ipopost din ang list of winners sa GMA Network Facebook page at social media sites.
Ano pang hinihintay ninyo, mga Kapuso? Bisitahin ang www.gmanetwork.com/BuongPusoGroufie para malaman ang buong detalye.