in

Donny Pangilinan at Belle Mariano, napilitang magsama sa isang school project sa ‘He’s into Her’

Mapipilitan magsama sa isang school project ang mortal na magkaaway na sina Deib (Donny Pangilinan) at Maxpein (Belle Mariano) matapos silang masaksihan ng principal na nag-aaway sa school grounds, sa patuloy na inaabangan at top trending na serye handog ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at Star Cinema na “He’s Into Her,” na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z, tuwing Linggo, 7:45 PM.

Tutol ang dalawa sa desisyon ng principal pero suspension ang haharapin nila kapag hindi sundin ito. Kailangan nilang mag-isip at gumawa ng isang anti-bullying campaign.

Bago ito nangyari, magkakaayos na sana ang dalawa dahil nakonsiyensya si Deib sa prank ng mga kaibigan kay Maxpein at handa na nitong bayaran ang P10,000 na kinaltas sa sahod ng pinapasukang restaurant sa dalaga. Pero nainsulto si Deib sa mga binitawang salita ni Maxpein na kahit kamo ina nito ay hindi siya mamahalin sa sama ng kanyang ugali.

Samantala, patuloy na dinadala ni Deib ang malaking pasanin sa buhay. Ang kanyang pinakamamahal na kapatid ay nakaratay sa ospital nang walang malay. Dumagdag pa rito ang pressure na nararanasan sa eskwelahan.

Patuloy rin ang pag-aalala nito sa darating na basketball championship series, na inaasahan ng buong Benison ay ipapanalo niya. Nang hamunin ng team captain ng rival school nito na si Randell (Jeremiah Lisbo), natalo sila at bigla itong kumalat sa social media.

Mapagtanto rin kaya ni Maxpein na may problema ring hinaharap si Deib? Matapos kaya nila ang school project nang hindi nag-aaway?

Panoorin ang susunod na episode ng “He’s Into Her” sa iWantTFC sa Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC, at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment sa Linggo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Talakan ng mga Beki sa ‘Miss Q & A,’ ibabalik ng ‘It’s Showtime’ sa KUMU

GMA Network, may exciting giveaway sa kanilang anniversary month!