in

Opening ceremony ng NCAA Season 96, bongga!

Pormal nang binuksan ang NCAA Season 96 nitong Linggo (June 13) sa pamamagitan ng isang star-studded at talaga namang pinaghandaang opening ceremony na ipinalabas sa GTV.

Pinangunahan nina real-life couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang mga Kapuso star na nakibahagi sa Rise UP Stronger NCAA Season 96 Opening Ceremonies. Ang GabLil ang nagsilbing hosts ng TV special, kasama sina Rise UP Stronger: The Road to NCAA Season 96 hosts Martin Javier at Sophia Senoron.

Nagpamalas din ng galing sa pagkanta sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Soul Diva Aicelle Santos, Kyline Alcantara, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Anthony Rosaldo, Thea Astley, at Sheemee Buenaobra. Kasama rin nila bilang flag bearer at muse ng NCAA teams ang iba pang Kapuso stars.

Nakakatuwa ring makita ang mga student-athlete mula sa 10-member school ng NCAA na sabay-sabay na nag-cheer virtually para sa kani-kanilang school from the comforts of their homes. Very touching din na mapanood silang nagtake ng Oath of Sportsmanship na dati’y ginagawa sa physical venue. Tiniyak nga ng NCAA at ng GMA Network na kahit wala sila sa studio, all-out pa rin ang participation ng lahat ng member schools para sa opening.

Sa nasabing opening ceremony, lalong pinakita ng Kapuso Network ang kahalagahan ng NCAA para sa mga kabataang atleta. Nagbibigay pag-asa rin ang pagbubukas ng NCAA sa ating lahat–kahit nasa gitna tayo ng pandemya, maaari pa rin nating ipagdiwang at ipamalas ang galing ng ating mga student-athlete.

Mapapanood ang NCAA sa GTV araw-araw sa mga sumusunod na oras: Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m.; Sabado, 4:30 p.m.; at Linggo, 5:05 p.m.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Born to Win’ MV ng BINI, naka-400k views na sa YouTube

Joshua Garcia, makaka-chika nina Bianca Gonzales at MJ Felipe sa pagbabalik ng ‘Popcinema’