in

‘Family History,’ regalo ng GMA Network sa Father’s Day

Mapapanood na sa TV sa unang pagkakataon ang directorial debut film ng Kapuso comedian at content creator na si Michael V. na ‘Family History’ ngayong Linggo, Hunyo 20, eksakto sa selebrasyon ng Father’s Day.

Inanunsyo ito ni Bitoy sa kaniyang Instagram: “FAMILY HISTORY” airs on GMA Free TV on June 20, Father’s Day.” 

Muling balikan ang kuwento ni Alex Dela Cruz (Michael V.) at ang pagbabago sa buhay ng kanilang pamilya nang magka-cancer ang asawang si May (Dawn Zulueta).

Matatandaang nag-uwi ang family drama ng award na “Natatanging Pelikulang Pampamilya” sa 4th Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Awards last year.

Huwag palalampasin ang ‘Family History’ ngayong Linggo sa GMA Blockbusters, pagtapos ng All-Out Sundays!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LOOK: Kapuso stars, nagpapabakuna na!

‘Born to Win’ MV ng BINI, naka-400k views na sa YouTube