in

Network badtrip pala sa “problematic” na all-male group kaya hindi binibigyan ng projects?

Totoo kaya ang nakarating sa amin na balita na hindi pala trip ng TV network ang mga nanalo sa all-male group na binuo mismo ng kanilang istasyon? 

Ayon sa kwento, kung anu-ano na lang kasing controversies ang kinaharap ng boys na hindi makakatulong sa pag-build ng kanyang career.

Kaya allegedly ang decision ng management ay huwag na lang silang bigyan ng malalaking projects na magshow-showcase sa kanilang mga mukha.

Ang iba naman sa kanila ay may totoong talent pero aminado ang source na ang iba ay wala talaga at mukha at katawan lang ang panlaban.

Ang mismong winner nito, ayon sa aming source, ay very unprofessional. Lagi raw late sa mga guesting at call time. May guesting ito sa morning show at naloka ang mga staff dahil super late s’ya. Ang isa pang kwento, ayaw sa kanya ng mismong show kung saan s’ya galing, wala raw energy.

Ang ibang miyembro naman ay may kung anu-anong iskandalo na pinag-usapan sa social media. Hindi magandang tingnan iyon sa image na gusto ng management para sa kanila.

Ang isa ay nagbenta ng mga malalaswang larawan at videos. Talagang hindi s’ya nahiyang ibuyangyang ang kanyang katawan sa social media. Kagaya rin ng isa pa na naglipana online ang mahalay na videos. Kaya deadma na lang daw sa kanila ang network.

Sabi pa nga ng aming kausap, kapag daw makakasalubong mo ang mga ito sa mall ay hindi mukhang mga artista. Tawa nang tawa ang aming source. Wala raw kasing mga dating o “x factor.”

Siguro nga walang gana sa kanila ang tv network kaya hindi na rin sila pinag-effort-an nang todo. Hindi sila tinutukan. True kaya?

Kung nag-behave lang sana sila, for sure tututukan sila ng management at ng mismong show na nagpakilala sa kanila. Sabi nga, attitude first, talent will follow na lang. 

Leksyon na rin ito sa kanila na hindi basta-basta ang pag-aartista. Dapat may disiplina ka talaga at maayos kang makisama sa lahat. Bawal ang attitude at mga kakalatan. Paano pa nila mai-impress ang management eh soon mapapalitan na sila. ‘Yun na!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janitors at cleaners, tumanggap ng dagdag papremyo mula kay Vice Ganda sa ‘Everybody, Sing!’

LOOK: Kapuso stars, nagpapabakuna na!