in

‘He’s Into Her,’ isa sa pinakapinag-usapang palabas sa Instagram

Pinatunayan ng “He’s Into Her,” ang pinakabagong youth-oriented series ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na isa ito sa mga palabas na pinakapinag-usapan sa social media nang umabot ito sa number 6 sa TheWit.com’s Social Wit List, ang listahan ng mga palabas na pumatok at tumabo ng posts sa Instagram noong Mayo.

Nakapagtala ito ng 26,000 Instagram followers na nag-abang ng pilot episode sa iWantTFC, TFC, A2Z, Kapamilya Channel, and Kapamilya Online Live, ayon sa TheWit.com, ang website na pinagkakatiwalaan ng mga producer at brodkaster sa buong mundo para sa impormasyon tungkol sa dekalidad na mga palabas sa telebsyon at online.

Umapaw naman ang emusyon ng cast sa mainit na pagtangkilik ng kanilang viewers sa virtual thanksgiving party na ginanap noong Mayo 10 (Huwebes). Ibinahagi ni Belle ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga boss ng ABS-CBN, sa kanilang direktor na si Chad Vidanes, sa manunulat ng nobela na si Maxine Lat, at head writer at creative producer na si Vanessa Valdez.

“This is quite a journey. Noong una, walang naniniwala but they were all their supporting me. Thank you sa cast for being so amazing,” dagdag pa ni Belle.

Hindi naman inakala ni Donny na magiging maganda ang samahan ng cast. “Wala naman kaming prior projects. Everyone proved our doubters wrong. It’s not just that, mas nag-excel pa kami,” he said.

Maaalalang naging most downloaded app ang iWantTFC sa bansa nang mag-premiere ang palabas sa nasabing platform. Sa ikatlong episode nito na unang mapapanood sa iWantTFC ngayong araw (Hunyo 11), maghaharap sina Deib (Donny) at ang team captain ng school rival nila na si Randall (Jeremiah Lisbo). Pero hind ito sapat para itigil ni Deib ang pangugulo kay Maxpein.

Panoorin ang “He’s Into Her” sa iWantTFC sa tuwing Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment tuwing Linggo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

TrabaHanap at DOLE Region 2 nagsama para sa Virtual Career Fair

Janitors at cleaners, tumanggap ng dagdag papremyo mula kay Vice Ganda sa ‘Everybody, Sing!’