in

Faith da Silva, ibinahagi ang kaniyang “lock-in taping essentials”

Hindi na maitago ng Kapuso actress na si Faith da Silva ang kaniyang excitement na maipalabas na ang GMA Afternoon Prime drama series na ‘Las Hermanas.’

Sa nakaraang interview, ikinuwento niya ang naging paghahanda para sa karakter na si Scarlet, “Aside from workshops for my acting, nag-start ako mag-meditate, I kept working out. Before mag-start ‘yung lock-in taping, I was so pressured so I think nakatulong sa akin ‘yung pag-woworkout ko because naging confident ako. In this project, ibibigay ko talaga lahat ng meron ako, ibibigay ko ‘yung buong puso ko.”

Dagdag pa ni Faith, nakaka-relate raw siya sa role na ipinagkatiwala sa kaniya dahil sa totoong buhay ay malakas din ang kaniyang loob at determinado siyang makuha ang gusto.

Ibinahagi rin niya kung anu-ano ang mga inimpake para sa nagdaang lock-in taping, “Ang dami kong dinala talaga! Mayroon akong blanket. Pescatarian ako, ang pinakamarami ko sigurong nadala is pagkain, healthy na snacks, Okra chips ko, lahat ng mga healthy na puwede kong dalhin na hindi masisira agad, dinala ko na.”

Makakasama ni Faith sa ‘Las Hermanas’ sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jason Abalos, Jennica Garcia, at marami pang iba. Abangan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, magbibigay-pugay sa Galing Ng Pilipino ngayong Hunyo

Mga COVID-19 survivor at frontliner, bibisitahin ni Angel Locsin sa unang anibersaryo ng ‘Iba Yan’