in

DA HU!? “Pabida” BL actor kaliwa’t kanan mga tinatanggap na regalo mula sa rich bekis, abusado na raw?

Nakakatawa talaga ang BL actor na ito dahil hindi na s’ya gumagastos at umaasa na lang sa mga padala mula sa mga beki na nasa abroad.

Kaya pala super pasasalamat s’ya sa kanyang Instagram dahil ang dami nga namang nagpapadala na siguro nagnanasa sa kanya. Ang isa rito ay ang tagahanga na galing Amerika.

Kwento ng source, talagang hindi nahihiya ang binata at tanggap lang nang tanggap sa mga gibsung ng mayayamang beki na nakilala n’ya sa pagti-Tiktok.

Marami kasing mga uhaw sa social media na nakaabang sa mga pahubad ng young actor. Isang hubad at giling lang n’ya ay katumbas na ng mga mamahaling regalo.

Hindi s’ya tumatanggi sa mga padala. Lahat ng mga nahuhumaling sa kanya ay inaasahan n’yang magbibigay. Kesa nga naman gumastos pa s’ya.

Patotoo ng aming kausap, hindi raw talaga tatanggihan ng binatang aktor dahil kailangan n’ya iyan. Wala rin naman s’yang kinikitang malaki.

Naloka nga ang aming source na bakit daw karamihan sa mga kasamahan n’ya sa iisang management ay parang kung sinu-sino na lang na mga beki ang nakakasama.

Wala ba silang kinikita sa mga matitinong project? Hindi ba sila hinahanapan ng manager ng projects na matino?

Pero naawa rin ang source dahil kung anu-ano na rin ang pinagdaanan nitong lalaking ito. Saan daw kaya ito pupulutin? Huwag naman sana sa kangkungan.

Pagtatapos ng aming kausap, dapat daw i-check n’yo ang Instagram stories ng binata para makita ninyo kung ano ang mga padala. Pero at least hindi na s’ya gagastos di ba? Ano namang kapalit nun? ‘Yun na! Hahaha!

Clue: PaBIDA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame at John Lloyd Cruz, may exciting na sorpresa ngayong Linggo

Bagong DepEd TV episodes, napapanood sa Channel 7 ng GMA Affordabox at GMA Now!