Kumakalat ang bali-balitang lilipat na sa GMA Network ang Spanish-Filipina actress na si Beauty Gonzalez.

Matatandaang 2018 pa nang unang lumabas ang mga haka-hakang magiging Kapuso na ang aktres matapos mapabalitang bumisita siya sa GMA Network Center para kausapin ang ilang Kapuso executives.
Uminit pa ang mga ispekulasyon nang mag-guest si Beauty sa Kapuso game show na ‘Celebrity Bluff’ ni Eugene Domingo.
At ngayon nga ay kumpirmado nang mapapanood sa GMA-7 si Beauty na kabilang sa isang upcoming soap. Excited na ang fans ni Beauty sa gagawin niyang programa at kung sinong Kapuso stars ang makakatrabaho niya rito.