in

‘Centerstage,’ engrande ang grand finals ngayong Linggo!

Matindi ang magiging huling pasiklaban ng mga aspiring Bida Kids sa Grand Finals ng singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’ ngayong Linggo, Mayo 30! 

Inaasahang bigating performances ang ipamamalas ng Grand Finalists na sina Rain Barquin, Colline Salazar, Vianna Ricafranca at Oxy Dolorito sa kapana-panabik nilang 4-Way battle. Sa pagtatanghal na ito, mapabilib kaya nila ang Bida Voters at Centerstage Judges na sina International Stage Performer and Soul Diva Aicelle Santos, renowned composer and musical director Mel Villena, and seasoned singer at Concert Queen Pops Fernandez?

Dapat din abangan ang espesyal na performance ng apat na finalists kasama ang Centerstage Host at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards!

Sino kaya sa apat ang mag-uuwi ng titulo bilang kauna-unahang Centerstage Grand Winner? Tutukan ang grand finale showdown ngayong Linggo sa ‘Centerstage’, 7:40 PM, pagtapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Coco Martin, sasabak sa gyera dahil kay Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Edu Manzano, gustong magpakalat ng Good Vibes