in

Cast ng ‘Legal Wives,’ balik lock-in taping na

Balik lock-in taping na ang cast and crew ng inaabangang cultural drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives’ nitong Miyerkules, May 26.

Sa behind-the-scene photos ng kanilang unang araw ng pagbabalik-taping ay makikita na sinimulan muna ito ng team ng isang dasal. Matapos nito ay sumabak na sa kanilang eksena ang mga bida na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Andrea Torres.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Mranaw na si Ismael (Dennis) na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.

Si Diane (Andrea), isang Kristiyanong mamahalin ni Ismael at magiging pangalawang asawa nito; Amirah (Alice), ang unang asawa; at Farrah (Bianca), ang pinakabatang asawa.

Kasalukuyang nagte-taping sa isang resort sa Laguna ang cast ng Legal Wives.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Libreng kilig sa 12 Star Cinema movies sa YouTube Super Stream

‘Kuya Na, Nanay Pa: The Alexis Peralta Story,’ tampok ngayong Sabado sa ‘#MPK’