in

‘Dear Uge,’ may bagong format simula ngayong Linggo

Maraming dapat abangan ang viewers sa bagong format ng award-winning drama anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo (May 30).

Bukod sa all-new episodes at exciting lineup ng celebrity guests, isa rin sa ibibida ng show ay ang bagong paraan ng pagkukuwento ng Kapuso comedienne na si Eugene Domingo.

Sa bagong format ay tuluyan na raw na mawawala ang tindahan ni Uge at sa halip ay may iinterbyuhin na resource person si Eugene. Ani Eugene, “Ang nakaka-excite naman sa akin dito bilang artista ay meron akong resource person but let’s not take our guest seriously, ha. Comeding-comedy tayo rito kasi dito naman… kung sa dating kuwentuwaan, I play different characters sa cameo roles. Dito naman sa ating bagong format ay I play different characters as the resource person na ini-interview ni Dear Uge.”

Sa kabila ng mga pagbabago sa show, patuloy pa rin ang Dear Uge sa pagpapalabas ng mga nakakaaliw na kuwento na kapupulutan ng aral.

“But definitely, the stories are funnier and the format is funnier. Lahat naman nito gusto namin dahil nakaka-entertain. ‘Yun talaga ‘yung gusto namin, matuwa ang loyal viewers at ma-entertain. We’re still here to make you all very happy every Sunday,” dagdag pa ng aktres.

‘Wag palagpasin ang fresh episode ng ‘Dear Uge’ ngayong Linggo (May 30), 3:35pm, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Geneva Cruz, pinakyaw ang boto sa Week 12 ng ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’

‘R.Y.F’ single ni Catriona Gray, malalim ang mensahe