Isang engrandeng concert experience ang nag-aabang sa fans nina Concert King Martin Nievera at Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa paparating na digital concert nilang “New Day” digital concert ngayong Hunyo 6, 11 AM at 8 PM (Manila time) sa iWantTFC.
Mga awiting pag-ibig at pag-asa ang ihahatid nina Martin at Lani at may kasama pang special performances mula sa OPM hitmakers na sina Rey Valera, Nonoy Zuniga, at Marco Sison.
Makakabili na ng regular tickets sa halagang P1,200 o US$24.99 sa iWantTFC. Para makapanood, kailangan lamang mag-download at mag-log in sa iWantTFC mobile app o website gamit ang e-mail address, mobile number, o Facebook account.
Kapag naka-log in na, i-click ang “New Day (Martin and Lani) Show” sa home page o i-type ito sa search bar. Sa “New Day” page, piliin ang “Rent Now” sa oras na gustong mapanood ang concert. Pagkatapos i-check ang billing information at pumili ng payment option, kumpletuhin ang pagbili ng ticket sa “Place Order” button. Hintayin lang ang confirmation e-mail mula sa iWantTFC.
Gaganapin ang virtual concert sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano kasama si Louie Ocampo bilang musical director.
Huwag palampasin sa iWantTFC app (iOs at Android) o pumunta sa iwanttfc.com ang “New Day” concert nina Martin at Lani ngayong Hunyo 6, 11 AM at 8 PM (Manila time). Sabay naman itong mapapanood sa London (1PM at 4PM), Saudi (6AM at 3PM), Dubai (7AM at 4PM), Japan (12NN at 9PM), Sydney (1PM at 10PM), sa West Coast, USA at Canada (Hunyo 5, 8PM at Hunyo 6, 5AM) at East Coast, USA at Canada (Hunyo 5, 11PM at Hunyo 6, 8AM).
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].