in

Filipino dubbed ‘I Told Sunset about You,’ mapapanood na sa POPTV

Excited na ang Pinoy fans sa pagdating ng Filipino-dubbed version ng hit Thai coming-of-age romantic drama na “I Told Sunset About You” simula Biyernes (May 21) sa pinakabagong video-on-demand streaming service ng Pinoy, ang POPTV.

Tampok sa seryeng ito na prinoduce ng LINE TV at Nadao Bangkok ang kwento ng magkababatang Teh at Oh-aew na muling magkukrus ang landas sa kanilang hometown sa Phuket matapos ang matagal na panahon. Bitbit pa rin ang bubog ng kanilang hindi pagkakaunawaan noon, muling magkakabangga ang dalawa at parehong maghahandang makapasok sa iisang kurso at unibersidad.

“Napakaganda ng kwento ng ITSAY at talagang makaka-relate ang mga kabataang Pilipino rito. Excited kami, kasama ang aming partner na LINE TV, na ihandog ang seryeng ito na naka-dub for the first time in Filipino,” sabi ni POPTV COO Jackeline Chua. “Ang aming pagpili ng content ay data-driven at talagang pinag-aaralan namin ng maigi. Nagbabasa kami sa pulso ng fans sa social media, inaalam ang trends, at nakikipag-ugnayan din mismo sa fans para lubusang maunawaan kung ano ang hanap nilang mga palabas.”

Tinaguriang ‘best BL series of 2020’ ng online fans, ang ITSAY ay mainit na tinanggap dahil sa makahabag damdamin nitong kwento, nakakamanghang cinematography, at napakahusay na pagganap mula sa breakout lead actors nito na sina Billkin Putthipong at PP Krit.

Matapos ang opisyal na announcement ng POPTV online, agad na nagpahayag ang Pinoy fans ng kanilang excitement at ngayon pa lang ay hinahanda na ang kanilang mga sarili sa mas mapanakit na panonood ng ITSAY dala ng pagkaka-dub nito sa Filipino.

“Oh my God. Bigla akong naiyak. Nai-imagine ko na yung mga linyahan in Filipino! Pighati realness!” sabi ni Twitter user @nattarintraipi.

“Panigurado iba ang tama nito dahil Filipino-dubbed,” sabi naman ni @dearcattleya.

Bilang dagdag pasabog, nilabas ng POPTV ang video invite mula mismo kina Billkin at PP kung saan inaanyayahan nila ang Pinoy fans na panoorin ang Filipino-dubbed ITSAY.

Mapapanood ang “I Told Sunset About You” sa POPTV simula Friday (May 21) na may new episode bawat linggo.

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P20 (2 days), P49 (10 days), at P99 (30 days). Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa).

Maaring mabili ang POPTV subscriptions at ikaltas sa iyong Smart load o di kaya via Google Pay. Maari din itong bayaran gamit ang credit/debit card o via GCash app. May mabibili ka rin nito sa Shopee, Lazada, sa lahat ng branches ng M Lhuillier at RD Pawnshops nationwide, at sa mga sari sari store sa Luzon.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Click, Like, Share’ ng KyCine at SethDrea, mapapanood na worldwide sa Hunyo 5

‘ASAP Natin ‘To,’ aapaw sa fresh at star-studded performances ngayong Linggo