in

‘Dear Uge,’ may fresh episodes simula May 30

Hindi lang bagong hairstyle ang ibibida ni Kapuso comedienne at TV host Eugene Domingo kundi pati na rin ang new episodes ng award-winning comedy anthology na ‘Dear Uge Presents’ na dapat abangan ng viewers simula May 30. 

Kamakailan ay ipinasilip ni Eugene ang kanyang shorter hairstyle bilang paghahanda sa pagbabalik-taping niya para sa fresh episodes ng Dear Uge. 

Mula sa behind-the-scene photos sa kanilang lock-in taping ay mapapansing excited na rin si Eugene na mapanood ng viewers ang nalalapit na new episodes ng Dear Uge. 

Aniya, “Watch out for #DearUge fresh na fresh episodes! We are always happy to resume. #TheMostFlexible show in the planet! Ty Lord. Simula May 30 sa GMA. #StaySafe.”

Tutukan ang mga bagong paandar at good vibes na hatid ng brand-new episodes ng ‘Dear Uge Presents’ simula May 30, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest single ni Maricris Garcia, available na

Eula Valdez, naghimala sa ‘Huwag Kang Mangamba’