in

Tom Rodriguez, ibinida ang new look para sa ‘The World Between Us’

Aprubado sa netizens ang ipinasilip na new look ni Kapuso actor Tom Rodriguez para sa upcoming GMA series na ‘The World Between Us.’ 

Bukod kay Tom, tampok din sa naturang serye sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at award-winning actress Jasmine Curtis-Smith. Iikot ang kuwento ng The World Between Us sa isang lalaking may prinsipyo na susubukin ang katatagan matapos siyang pagtaksilan ng mga taong itinuring niyang pamilya. 

Kinakiligan naman ng netizens at supporters ni Tom ang tila ‘bad boy’ look ng Kapuso actor para sa serye, “Ang gwapo! Feeling ko talaga siya ‘yung kontrabida dito. Ang ganda siguro nitong teleserye nila ni Alden Richards. Yehey! magkasama ang 2 kong idol.” 

Kasalukuyan nang nasa lock-in taping sina Tom at ibang cast ng The World Between Us matapos ang naganap nilang script reading. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso stars, pasok sa Top 20 Most Handsome and Beautiful Faces sa PH showbiz

Tan Roncal at Eian Rances, mabubulabog dahil sa isang halik sa bagong ABS-CBN ‘Pilikula’ ‘Pa Mine, Pare’