in

Katawan ang binebenta? Talent management toxic environment para sa mga lalaking talents

How true na ang isang talent management ay pinu-push ang mga lalaking talents sa mga malalaswang activities? ‘Yan kasi ang usap-usapan.

Karamihan sa kanilang mga alagang lalaki ay may itsura at maganda ang katawan. Ito ang ginawang pang benta ng management.

Pero ang drama raw, pinapakilala sa mga mayayaman at maiimpluwensyang beki ang mga binata. Swerte kung ang ibang beki ay taga industriya at nabibigyan ng exposure.

Kwento nga ng source, nakita n’ya raw sa isang sikat na farm resort ang dalawang young actors na kasama ang isang beki na pinakilala ng kanilang manager.

Dahil taga industriya naman ang beki, ayun nabigyan naman ng digital series at movie.

Kumalat din ang chismis na ang management daw ang nasa likod ng malaswang video na mainit na mainit pa na binenta sa mga naglalaway na mayayamang beki. Totoo kaya ito?

‘Yan ay bulung-bulungan lamang. Na-curious ang source kung totoo raw ba. Kawawa raw kasi ang mga binata dahil nawawala ang direksyon.

Kung tinutukan lang sana ang pag-arte nila, makakakuha naman sila siguro ng decent projects. Kaso nga ay naging makalat sila.

Pagtatapos ng source, sana raw ay matauhan ang mga binata dahil marami namang opportunities for them.

Kung totoong boogie wonderland ang management, nakakaawa ang mga binata. Talent sana ang ibenta, hindi ang katawan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Judy Ann Santos, may birthday surprise mula AshMatt, Regine Velasquez, at Sharon Cuneta sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’

Sanya Lopez, mapapanood na ngayong Sabado sa ‘Agimat ng Agila’