in

Carla Abellana, nakakaintriga ang role sa #MPK

Ngayong Sabado (May 22), tunghayan si Carla Abellana sa nakakaintriga ngunit tunay na kwento ng isang ginang na ibinenta ang kanyang mister sa Magpakailanman. 

Dahil maagang nagpakasal, itinakwil sina Precy (Carla) at Anthony (Rafael Rosell) ng kanilang pamilya. Kahit na dumanas ng hirap, naitaguyod nila nang maayos ang kanilang pamilya. Nang makilala ng mag-asawa si Rochelle (Katrina Halili) ay naging maginhawa ang kanilang buhay. 

Naging malapit ang loob ni Anthony kay Rochelle hanggang sa natuklasan ni Precy na may relasyon na pala ang dalawa. Humingi naman ng tawad si Anthony kay Precy at nangakong magbabago na. Subalit, nagkasakit nang malubha ang ama ni Precy na si Ador (Rey “PJ” Abellana) at nangailangan ang pamilya ng malaking pera.

Dahil sa sobrang kagipitan at wala nang iba pang matakbuhan, lumapit na si Precy kay Rochelle para mangutang. Pero paano kung ang hinihinging kapalit kay Precy ni Rochelle ay ang bilhin si Anthony? 

Sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, abangan ang natatanging pagganap ni Carla Abellana sa Magpakailanman episode na pinamagatang “Husband For Sale”, ngayong Sabado, 8pm, sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Enzo Pineda at Paulo Angeles, bagong tutugis kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

‘Ang Pulubi at Ang Prinsesa’ nina Camille Prats at Angelica Panganiban, mapapanood sa KTX