in

Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Kapamilya stars, ibinuhos ang pagmamahal kay Rabiya Mateo

“We are proud of you and we love you.”

Ito ang mga katagang paulit-ulit na mababasa sa social media mula mismo kay Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Kapamilya stars bilang suporta sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa katatapos lang na “69th Miss Universe Competition,” na inihatid ng ABS-CBN nang live sa A2Z.

Nagpasalamat Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Rabiya sa ipinakitang puso at dedikasyon sa naging laban, kung saan umabot hanggang Top 21 ang Miss Universe Philippines 2020.

“Rabiya we love you. Thank you for pouring your heart for the Philippines. We see your heart Queen. #MissUniverse”

Ani naman ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, hindi maipagkakaila na proud ang buong bansa dahil sa ipinakitang laban ni Rabiya.

“Wow this year is intense! Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 11 year consecutive semi-streak Pilipinas.”

Maging Kapamilya stars nagpaabot din ng suporta kay Rabiya. Kabilang na rito si Vice Ganda na isang pageant fan.

“#MissUniverse. Thank you Rabiya! We love you.”

Nagphayag din ng pagmamahal ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez-Alcasid.

“Pero sa totoo lang para sa akin mas nagagandahan ako sa’yo at ikaw ang #MissUniverse ko. Congratulations, Rabiya Mateo. Sobra kaming proud sa’yo.”

Si Bianca Gonzalez naman, binigyang diin ang pagpupursigi ni Rabiya.

“Head up high, Rabiya. Maraming, maraming salamat for all your hard work and pouring your heart out to represent the country.”

Trending topic din si Rabiya sa Twitter Philippines dahil sa matinding suporta ng mga kababayan sa 24-anyos na Ilongga. Mula sa 74 na kandidata, si Andrea Meza ng Mexico ang tinanghal na Miss Universe 2020. Isa si Rabiya sa mga paboritong manalo matapos ang magandang ipinakita sa preliminary competition.

Samantala, sa mga gustong mapanood muli ang Miss Universe, may replay ito ngayong gabi sa A2Z ng 10:30 pm.

Mapapanood din ang replays nito sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, 9:45 pm. May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12 nn at 10 pm), Mayo 26 (5 pm), at Mayo 29 (8:30 am).

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pauline Mendoza at Liezel Lopez, hanga sa professionalism ng isa’t isa

‘Innamorata,’ muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime