in

Maglakbay sa mga pelikulang dala ng GMA Network

Gawing mas exciting ang weekend ng pamilya sa mga pelikulang mapapanood sa GMA Network ngayong Linggo, Mayo 16.

Abangan ang animated film na ‘A Dog’s Way Home’ sa Kapuso Movie Festival. Isang aso ang maglalakbay ng apat na daang milya para mahanap ang kaniyang amo sa kagubatan ng Colorado.

Tampok naman sa GMA Blockbusters ang comedy drama na ‘Crying Ladies’ nina Sharon Cuneta, Hilda Koronel, at Angel Aquino kung saan gumaganap sila bilang mga propesyonal na mga taga-iyak sa mga burol.

Samantala, mapapanood sa Telesine Presents ang nakakakilig na kuwento ng ‘Anito Sa Usok,’ na pinagbibidahan nina Ciara Sotto, Allan K, at Gladys Reyes. Sundan ang istorya ni Flor (Ciara), isang insecure na babae na tuturuan ng kaniyang lola tungkol sa Anito Sa Usok at ang kung paano maipapalabas si Anito (Allan K).

Tutukan ang mga ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays; GMA Blockbusters pagkatapos ng All-Out Sundays; at Telesine Presents pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angel Locsin at ‘Iba ‘Yan,’ ipapakita kung paano gumawa ng eco-friendly uling

Meryll Soriano, may kinupkop na anak sa labas sa ‘MMK’