in

Cebuano Singer may alay na kanta para sa mga ina

Mapapakinggan ang pinaghalong Tausug, Cebuano, at Tagalog lyrics sa bagong kantang inilabas ng Cebuano singer-songwriter na si Kervin Kane, ang pop-rock remake niya ng “Ina Ku Kalasahan (Mahal Kong Inay).”

Sa kanyang naging panayam sa “Good Time ‘To” digital show ng MOR Entertainment, sinabi ni Kervin Kane na tungkol ito sa isang nanay na maagang namaalam. Aniya, isa itong paalala sa mga listeners na laging magpahayag ng pasasalamat habang kapiling pa ang kanilang mga ina.

Si Mang Takbil ang sumulat ng orihinal na Tausug song, na ngayon ay may dagdag Tagalog at Cebuano lyrics sa bagong bersyon nito. Iprinodyus ni Ryan Sarmiento ang nasabing remake at ini-release naman ng ABS-CBN rock/alternative label na DNA Music.

Unang sumikat ang “Ina Ku Kalasahan” sa Tawi-Tawi sampung taon na ang nakakalipas. Narinig din ang kanta sa isang episode ng “MMK” noong 2016. Taong 2018 naman nang inawit ito ng Malaysian soul at R&B artist na si Min Yasmin.

Isang mellow pop-rock musician at multi-intrumentalist ang 28-anyos na si Kervin Kane na nagmula sa Camotes Island sa Cebu. Inilunsad niya rin kamakailan ang original song na “Pelikula” na may patok na music video tampok ang “Pinoy Big Brother: Otso” #AshTan tandem na binubuo nina Ashley del Mundo at Tan Roncal.

Pakinggan ang “Ina Ku Kalasahan” sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa DNA Music YouTube channel. Para sa updates sa musika ni Kervin Kane, sundan ang DNA Music sa Facebook (facebook.com/dnamusicph) at sa Twitter at Instagram (@dnamusicph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Knowledge Channel may bagong online shows sa unang anibersaryo ng ‘Knowledge on the Go’

Angel Locsin at ‘Iba ‘Yan,’ ipapakita kung paano gumawa ng eco-friendly uling