in

Fan-made video ng ‘Pepito Manaloto’ theme song, patok sa social media!

Umani na ng libu-libong likes sa Facebook ang fan-made video ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.

Patok sa netizens at anime fans ang obra ni Jose Antonio Santos na ginawan ng animation at Japanese version ang nakaka-LSS na theme song ng programa.

Biro po ng isang netizen, “Pepito Manaloto is my favorite slice of life anime.”

Patunay lang ito na sa loob ng isang dekadang paghahatid ng mga nakatutuwang kuwento ng Pepito Manaloto, nananatili pa rin itong paborito ng viewers.

Ang sitcom ay tungkol sa buhay nina Pepito (Michael V.) at asawa niyang si Elsa (Manilyn Reynes) na nagbago ang buhay nang tumama si Pepito ng jackpot prize sa lotto.

Bukod kina Michael V. at Manilyn, kabilang din sa cast nito sina John Feir, Jake Vargas, Angel Satsumi, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Jessa Zaragoza, Ronnie Henares, at Nova Villa.

Panoorin palagi ang nakakaaliw na adventures ni Pepito at ng Manaloto family, tuwing Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga kanta nina Julie Anne San Jose at Ruru Madrid, pasok sa ‘Ballad International’ playlist ng Spotify

Pinoy fans, napa-reminisce sa 18th anibersaryo ng ‘Meteor Garden’