in

KZ Tandingan at BGYO, magkakalat ng liwanag at saya sa ‘Feel Good Pilipinas’ ng ABS-CBN

Magsasama ang “Asia’s Soul Supreme” na si KZ Tandingan at ang rising P-Pop boy group na BGYO na kinabibilangan nina Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, Nate Porcalla, and Gelo Rivera para maghatid ng liwanag at ligaya sa mga Pilipino sa pamamagitan ng “Feel Good Pilipinas” dance video at music video.

Unang pinatikim noong Biyernes (Mayo 7) sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN, nais ng “Feel Good Pilipinas” na bigyang inspirasyon ang mga Pilipino na patuloy na punuin ang kanilang mga tahanan ng saya at pagtibayin ang koneksyon sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ngayong panahon ng pandemya.

Mapapanood ang dance video sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo (Mayo 16) kung saan ilulunsad din nila at ng iba pang Kapamilya stars ang “Feel Good Pilipinas” dance challenge. Samantala, tinatayang bago matapos ang buwan naman unang mapapanood ang mas mahabang music video tampok ang mga kwentong puno ng pag-asa.

Sinulat nina Lawrence Arvin Sibug at Robert Labayen ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division ang liriko ng “Feel Good Pilipinas” habang sina Thyro Alfaro at Francis Salazar ang gumawa ng musika nito. Si Maria Lourdes Parawan naman ng CCM ang nagsalin sa Ingles.

Para naman sa dance challenge, ginawa ito ng “Pinoy Big Brother” alumnus at batikang choreographer na si Mickey Perz.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jessica Villarubin, may natanggap na maagang birthday gift

Alice Dixson, ibinahagi na ang gender at name ng anak