in

Iba’t ibang mukha ng mga nanay, makikilala sa ‘Iba Yan’

Iba’t ibang mukha ng pagiging ina at ang kanilang kwento ng pagmamahal at sakripisyo ang makikilala ng mga manonood ng “Iba Yan” ngayong Linggo (Mayo 9) sa A2Z, Kapamilya Channel, and Jeepney TV.

Kilalanin si Alma Enario o Nanay Gaming ng Imus, Cavite, na natutong maglaro ng online gaming para makipag-bond sa kanyang mga anak. Sa hirap ng buhay, pinagpatuloy ng dating property consultant ang kanyang paglalaro pero para kumita naman para sa pamilya. Para kay Nanay Alma, kailangan mag-adapt sa pagbabago ng mundo ngayon para mabuhay.

Pupukaw naman ang kwento ni Bernardita Amor, isang cancer survivor at social worker. Kahit walang anak at na-biyuda nang maaga, tinuring niyang mga anak ang kanyang pamangkin pati na ang inaalagaang cancer patients.

Matinding sakripisyo naman ang matutunghayan sa kwento ni Mary Blessie Joy Lutcha na ginawa ang lahat mula pagbebenta ng damit, paglilimos para makalikom ng pondo para sa operasyon ng kanyang anak, at pagbibigay ng sarili niyang atay para mabuhay ang kanyang supling. Matapos maging viral ang kanyang kwento sa social media, maraming tao ang nag-abot ng tulong sa mag-ina.

Panoorin ngayong Linggo ang “Iba Yan” sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa at The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘G Diaries,’ nagbabalik!

‘All-Out Sundays,’ may bigating Mother’s Day celebration ngayong Linggo