in

Bida ang Mommies ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Punong-puno ng saya at pagmamahal ang ASAP stage dahil bida ang mga momshie ngayong Linggo (Mayo 9) sa “ASAP Natin ‘To,” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magbibigay pugay sa mga mommies ang Kapamilya star na si Toni Gonzaga at ang new generation of ASAP divas na sina Sheena, Zephanie, and Janine Berdin.

Hahataw naman sa isang awesome dance number sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Maymay Entrata. Hindi rin magpapahuli sa dance floor si AC Bonifacio sa kanyang pagsayaw sa newest hit ni Vice Ganda.

Abangan din ang pasabog na P-Pop concert performance ng MNL48 sa ASAP stage.

Sasabak sa senti music collabs sina Jed Madela, Nyoy Volante, at Concert King Martin Nievera, at pati na rin sina Bamboo at ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren.

Magbibigay inspirasyon sa kanilang timeless music number at world-class duets sina Martin at Klarisse de Guzman, Jason Dy kasama ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, Erik Santos at Soul Siren Nina, at Darren kasabay ang Asia’s Songbird Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Finest ang kantahan at sayawan dahil momshies ang bida ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘All-Out Sundays,’ may bigating Mother’s Day celebration ngayong Linggo

JM de Guzman at Janine Gutierrez, mag-iibigan sa gitna ng lockdown sa ‘MMK’