in ,

Tambalang Julie Anne San Jose at David Licauco, malakas magpakilig!

Kinakikiligan ngayon ng netizens at viewers ang tambalan nina Julie Anne San Jose at David Licauco sa romance drama series ng GMA na ‘Heartful Café.’

 Hindi na magkamayaw ang fans ng dalawa sa kanilang undeniable chemistry bilang Heart Fulgencio at Ace Nobleza sa Kapuso serye, “Nakakakilig kayong dalawa walang araw na hindi ako nakangiti at kinikilig tuwing Heartful Cafe na.” 

Marami rin ang nakakapansin na tila hindi na akting ang kilig na pinapakita nina Julie at David, “Minsan parang ‘di na scripted ang kilig nina Heart and Ace.” 

Dahil sa malakas na chemistry ng dalawa, marami ngayon ang nagtatanong kung posible nga kayang mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan? 

Ani Julie, “Ako, never naman ako naging sarado. I mean, I’m open to any possibility naman. And, yes. If there’s a chance to get to know him more, I mean, why not?”

Biro naman ni David, “Ang tagal ko na ngang inaaya si Julie. Nasa sa kaniya na lang kung oo o hindi.” 

‘Wag magpahuli sa nakakakilig na love story nina Heart at Ace sa Heartful Cafe, weeknights, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA-7 at GMA Heart of Asia.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, sagot ang summer bonding ng pamilya sa libreng movies at series sa YouTube Super Stream

‘G Diaries,’ nagbabalik!