in

‘Centerstage,’ balik-telebisyon na!

Kasado na ang pagbabalik-telebisyon ng world-class singing competition for kids ng GMA Network na Centerstage simula ngayong Linggo, Mayo 9. 

Tatlong linggo ring pansamantalang hindi napanood ang programa bilang pag-iingat sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Sa pagbabalik ng Centerstage, inaasahang mas pinatinding biritan ang ipamamalas ng kiddie contestants, na sigurado namang ikatutuwa ng judges ng show na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena.

Muli na ring mapapanood ang nakakaaliw na tandem ng hosts na sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at comedian Betong Sumaya.

Nananatiling defending champion ang young ukulele player mula sa Obando, Bulacan na si Oxy Dolorito. Abangan ang muling pagpapakitang-gilas ng aspiring Bida Kids sa Centerstage ngayong Linggo, 7:40 PM, bago mag-KMJS sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jodi Sta. Maria, gaganap na Pinay ‘Doctor Foster’ sa ‘The Broken Marriage Vow’ ng ABS-CBN

ABS-CBN, sagot ang summer bonding ng pamilya sa libreng movies at series sa YouTube Super Stream