in

ABS-CBN, sagot ang summer bonding ng pamilya sa libreng movies at series sa YouTube Super Stream

Kahit nasa bahay ka lang ngayong summer, gawing mas masaya at mas kumpleto ang pakikipag-bonding sa buong pamilya at barkada kasama ang ABS-CBN dahil libre itong magpapalabas ng mga paboritong pelikula, classic Pinoy teleseryes, digital concerts, at marami pang iba sa YouTube Super Stream.

Simula Mayo 9, magiging available worldwide ang sari-saring kwentong Pinoy at musical experiences sa iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng saya, kilig, at inspirasyon sa mga tahanan saan man sa mundo.

Hindi na kailangang lumabas para ipagdiwang ang Mother’s Day dahil simula Mayo 9, pwedeng i-stream ang movies na “Anak,” “Tanging Yaman,” mga teleseryeng “Budoy,” “Momay” at “MMK” episodes tungkol sa iba’t ibang kwento ng kadakilaan ng mga ina.

Sa linggo naman ng Mayo 16, pwedeng panoorin ang “He’s Into Her” exclusives tampok sina Donny Pangilinan at Belle Mariano at episodes ng “Bagani” nina Liza Soberano at Enrique Gil. Isang bagong music video din ang handog ng rising P-pop group na BGYO para sa kanilang dumadaming fans.

Online sinehan at kilig-fest naman ang handog ng Star Cinema simula Mayo 23 sa pagpapalabas nito ng blockbuster hits na “Hey Babe,” “Love Me Tomorrow,” at “All About Love.” Sa parehong linggo, mapapanood din sa unang pagkakataon ang deleted scenes mula sa “Hello Stranger: The Movie” tampok sina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Sigurado namang matututo habang nag-eenjoy ang mga bata mula May 31 sa episodes ng seryeng “Super Inggo” at classic movies na “Magic Temple,” “Sarah Ang Munting Prinsesa,” at “Ang TV the Movie: The Adarna Adventure.” Dadalhin din nina KZ Tandingan at Yeng Constantino ang live musical experience sa mga tahanan sa kani-kanilang digital concerts.

Mae-enjoy pa ang maraming libreng movies, Kapamilya classics, digital concerts, teleserye highlights, movie supercuts, musical events, music videos, at online shows sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, Star Cinema, Cinema One, Jeepney TV, Star Music, Black Sheep, BGYO Official, Rise Artists Studio, Sinehub, Yey Channel, Knowledge Channel, at ABS-CBN News.

Panoorin ang mga ito nang libre simula Mayo 9 sa YouTube Super Stream at mag-subscribe na ngayon sa YouTube channels ng ABS-CBN.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Centerstage,’ balik-telebisyon na!

Tambalang Julie Anne San Jose at David Licauco, malakas magpakilig!