in

‘First Yaya’ at ilan pang Kapuso shows, mapapanood na rin sa iQiyi International

May panibagong sorpresa ang GMA Network para sa mga Kapuso matapos nitong makipag-team up sa isa sa leading entertainment streaming platforms sa mundo – ang iQiyi International.

Mapapanood na sa iQiyi ang top-rating GMA primetime series na ‘First Yaya’ nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez pati na rin ang mga upcoming Kapuso drama na ‘Legal Wives,’ tampok sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali; ‘Nagbabagang Luha’ nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at Claire Castro; at ‘Love You Stranger’ ng real life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ang mga ito ang unang Filipino content na mapapanood sa nasabing OTT platform.

Gamit ang iQiyi app o website na iQ.com, maaari nang maging updated sa latest na eksena sa mga nasabing Kapuso shows anytime, anywhere. Madadagdagan pa soon ang mga pwedeng mapanood dito kaya siguraduhing mag-download at mag-subscribe na sa iQiyi.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DongYan Stronger Together Funcon, dinagsa ng mga Kapuso abroad!

‘All-Out Sundays,’ mapapanood na rin online simula ngayong Linggo